Ptolemy - Girls :]
Saturday, March 22, 2008
| 2:15 PM
Antonio, Ena Andrea - Ayun. Close tayo pero hindi ganun ka-close para maging isang nobela ang isulat ko dito. :P Masipag ka sa THE, at hinahangaan kita! XD Ayoko kasi ng THE eh. Isang pahirap sa buhay. :] Ang hirap i-describe ni Ena. Amp. Uber bait and uber religious. :] Pinaninindigan nya ang lahat ng sinasabi niya kahit umabot pa kayo sa giyera. Mamimiss kita!
Castillano, Adelyne - Hahaha. Ang babaeng umaabsent para makipagkita sa mga lalake nya. XD Anlakas ng loob mo, dude! And to think lahat ng karelasyon mo tago sa magulang mo. Ilan na ba naging karelasyon mo? Grabeeee. Heavy. Hahaha. XD Salamat sa mga sagot sa Social, alam mong parehas tayong hindi magaling pero ikaw pa rin ang nag-eeffort na mag-aral. Pwahahaha. :P
Ching, Larah Anjelica - LAC!! Hahaha. XD Ano, maraming salamat sa mga sagot sa Physics. :) Hindi siguro ako makaka-90 sa card nung first grading kung hindi dahil sa pinaggagagawa natin. :P Kadayaan sa buhay!! Pwahaha. Hinding-hindi kita makakalimutan. Ayaw nila sayo. Wala akong pake. :] Kahit ilang negative na bagay pa ang sabihin nila tungkol sayo, di ako maniniwala hangga't hindi ko naririnig ang side mo. Mami-miss kita ng sobra! Umuwi ka kase sa probinsya at dun tayo magkita! XDD
de Jesus, Deyzel Arra - Ayun. Blog ko 'to, teritoryo ko 'to. Sasabihin ko kung ano ang gusto ko. Kumpleto ang ptolemy kahit wala ka. :] Hindi dahil sa ayaw ko sayo, ayaw ko sa ugali mo. Tsk. Maganda ka nga (sabi mo eh), hindi naman maganda ugali mo. Pero ang maganda sayo, pag inuutusan ka, ginagawa mo naman. Ang problema nga lang, palagi kang tinatamaan ng katamaran (tulad ko) kaya hindi mo nagagawa. XD Di ko alam kung mami-miss kita. Pero prangkahan na, MALAMANG HINDE. SALAMAT. :]
dela Cruz, Monique - MUNIRK! Hahaha. Si Munik ay isa sa mga dahilan kung bakit lumala ang sakit ko sa pagmumura. Si Munik ang dahilan kung bakit ganito ako kasaya. :] Si Munik ang dahilan kung bakit gagastos ako ng napakalaki next week. Hahaha. Si Munik ang dahilan kung bakit ko gustong tumangkad. Pwahaha. Taena kase, antangkad mo! Pahingi ng height. XD (IKAW: Ayoko mag-growee. [sana kilala mo kung sino ka. XD] Hindi yun tumatalab sa akin) Si Munik ay hinding-hindi ko makakalimutan. :] Isa ka sa mga naging pinaka-close sa akin sa Ptolemy, may mga natutunan din ako sayo kahit feeling mo wala dahil gaguhan lang ang ginagawa natin. Salamat dahil nandun sa tabi ko nung mga oras na kailangan kita lalo na nung mga panahong /ehem/ alam mo na yun. :] Salamat dahil kahit puro panggagago lang ang ginagawa mo, nakatagpo pa rin ako ng tunay na kaibigan. :] (Kung balak mo magpa-photoshoot, libre lang siguro sa mundo ko. Basta ang pagkain -- hindi ko na sagot yun. XD) Ang haba na, ganyan kita kamahal. MAMIMISS KITA NG SOBRA-SOBRA. :]]
Espedillon, Marigold - Ayun. Idol kita! Alam ko kase na hindi ganun kataas ang katayuan niyo sa buhay, pero nagagawa mo pa rin na mag-aral at manlalake (haha. pis tayo!). Tapos ang talino mo, ang sipag mo, inggit ako. :] Hindi tulad ko, may kaya pero tamad. Tss. Sayang lang. Eh ikaw, nagagawa mo lahat ng pinapagawa tapos mataas pa grades mo. Ang galing pa sa Physics. Nakakainggit talaga! Hahaha. XD Tapos, hindi ka katulad ni Deyzel na hindi na makontrol ang kalandian sa buhay. Haha. Ang galing mo sumayaw yow~ MAMIMISS KITA.
Francisco, Danna - Errmmm. Hindi tayo ganun ka-close eh. Pasensya na kung hindi nobela ang masusulat ko dito. XD Ayun, napakasipag mo din. :] Kaso bantay-sarado ka ng nanay mo. :[ Di ka tuloy nakakasama sa mga outing namin. Sayang talaga. Wala kang oras na makipag-bonding sa Ptol. Pero kung hindi ka siguro bantay-sarado, close tayo. :]
Go, Marie Alexandrine - Marie Go!!! Pwahaha. XD Ayun. Isa din sa mga pinakamasipag as Ptol, lagi atang may asayment. :] Tapos, RICH KID pa! Haha. Kapwa Caviteño at Ilonggo. Haha. XD Pano ba idedescribe si Marie? Hirap ah. :P Maganda, matalino, mayaman. Haha. All in one! Marie, ano ba talent mo? Para malagay ko dito. :] Inggit ako sa katalinuhan mo, hindi ko ma-reach. :] Mami-miss kita ng sobra. Umuwi ka din sa probinsya at dun tayo magkita! XD
Gonzalez, Anna Beatrice - Tama ba spelling? Haha. XD Sensya kung mali ah. Si Anna ang pinakahyper tumawa sa buong Ptolemy. Yung tipong, matatawa ka rin ng walang dahilan. hahaha. :P Si Anna ay napakasipag, hindi ko kelanman maaabot ang kasipagan nya. :] Tapos napakatalino pa, at responsable, at RICH KID. Haha. Lahat na! Mamimiss kita anna!
GoTANgogan, Jheri Angelic - Haha. Ayun. Isa sa mga pinakaclose ko sa Ptol. :] Hmm. Ang hirap mo din idescribe. Pwede bang.. MAY FUTURE? HAHAHAHA. XD PEACE TAYO, ANO BA. Tamad tulad ko, pero mas malala na ang katamaran ko. :] Kadamay ko sa mababang grades. Woo~ Ano bang meron kay Master Tan? XD Anyways, mamimiss kita ng sobra! Salamat sa paglibre sa MOA. :]
Labsan, Karen Ann - ULTIMATE RICH KID! Haha. Matalino, maganda, mayaman! OMG. Complete package. XD Si Karen, mukhang mataray na may halong shy type. Pero kung kasama ka sa Gbox dati, makikita mo wild side ni Karen. As in, UBER WILD. :] Karen - best in English. Pinakamagaling magpa-nosebleed maliban kay Tabal! Haha. At least yung kay Karen may sense diba? Mamimiss kita! Salamat sa paglibre ng billiards! :]
Morante, Keesha Marie - Inay! Two years, two years. :] RICH. PWAHAHA. XD Ang hirap mo i-describe. :] Maganda, mabaet, matalino, mayaman. Complete package din. VAIN VAIN VAIN. :] Inay, may isang araw ba sa buhay mo na hindi ka nag-picture ng sarili mo? Anyways, mamimiss kita ng sobra sobra ngayong summer. Wag kang magbabago! At sana masaya ka na sa lablayp mo. LABYUUUU~
Palma, Elrica Floriane - SISA, BALIW, RANDOM, HYPER. Yan si Poyi. XD Pinakamatalino at pinakamasipag sa klase. Pinag-aagawan ng dalawang lalake. EhemNEILEhemASOR. XD Two years na rin. :] Mas naging close tayo this year. Poyi never runs out of creative ideas. :] She knows what song to sing for what mood. Haha. Andame mo nang kinanta sa akin! Lagi mo akong hinaharana, I'll never forget those days. Pwahaha. You never run out of songs, you never run out of quotations. :] You never fail to disturb me with your juvenile delinquent thoughts (or something). Haha. ilubu. Mamimiss kita ng sobra!
Pelingon, Edda Joy - Ermm. Two years, two years. nakailang ulet na, ano ba jio. XD Best singer everr. Haha. Naiinggit ako sa talent mo yow~ Masipag ka rin, kahit late na magpasa! Pwahaha. LOL~ Ano, mamimiss kita ng sobra! Kase naman ikaw, madami ng memories. First year pa lang. :] Ah basta, nagpapasalamat ako at nakakilala ako ng isang Edda! :]
Renigen, Jenny - Pwahaha. Hokay, ayoko sayo nung una. Di ko alam baket. Pero okay na ako ngayon (mejo). Haha. XD Ewan ko ba. Basta yun na yun. :] Pramis, okay na ako ngayon sayo. Ang galing mo mag-crochet! Pagawa nga. Garrr.
Tendencia, Jana Monique - Haha. Dahil baliw ako, idedescribe ko sarili ko kahit napakahirap. :] Ano ba.. Haha. Taena, ang hirap nga. XD Adik ako. Naka-anim na hairstyle ako ngayong taon. mas naging vain ako ngayong taon. Mas naging masaya ako ngayong taon. Mas naging baliw ako ngayong taon. Mas napadalas ang pagmumura ko ngayong taon dahil kay Munik, pero hindi na malala ngayon dahil may nagsabi sa akin na bawas-bawasan ko ang pagmumura. Hahaha. XD Ayun, naguidance na ako dahil sa buhok ko (haha. inggit ka Sayat! May bangs ako, ikaw wala!) Anyway, malaki pinagbago ko mula ng nakilala ko ang Ptol. :] MAMIMISS KO KAYONG LAHAT. KINGINA NYO, BAT BA KASE NAKAKAMISS KAYO. XD
LABYUUU~
( )