And this is ultimate love.
      
Sunday, August 3, 2008
   | 11:12 AM
 Wag pansinin ang naka-blue. Yung green ang pansinin :D Pasensya at bara-bara ang pag-edit :P~
Wag pansinin ang naka-blue. Yung green ang pansinin :D Pasensya at bara-bara ang pag-edit :P~So anu nga ba ibig sabihin ng kalendaryong yan? :] Mga araw na nakasama ko si Ed. :DD Anu ba yan, ang hirap magkwento XD
Nakwento ko na yung iba pero mas masaya pag kinuwento ko ulet. :)
JULY 5/SaturdayHokayy. Super unexpected na magkikita kame. Ay wait, importante din pala yung naka-blue na July 3. July 3 nga ba? Basta yun na yun. XD Kase tinext nya ako nun. Tapos sobrang saya ko na nung araw na yun. :) Kase hindi ko sobra ineexpect yun, at kung nakita mo ako nung pagkabasa ko nung text nya na yun, di mo maiinitindihan itsura ko. Masaya na natataranta. Parang ganito "shet, asan na si munik?!" Initial reaction ko nung nabasa ko yung text na yun. So ayun, tumakbo ako sa classroom nila munik, sinenyasan sya. "Munik, tinext kita basahin mo" So, binasa nya. Ahahaha. At naaaliw ako sa itsura ni Munik pagkabasa ng tinext ko na text ni Ed. Anlaki ng ngiti ni Munik :DDD Tas nung nagkita kame sa canteen.
MUNIK: Jio, libre mo ko.
JIO: At bakit naman kita lilibre?
MUNIK: Kase.. *nag-isip pa* Kase boto ako kay Ed?!
Ahahahaha. Kaya love ko yun si Munik eh. Anywayy, nawala na ako sa kinukwento ko na dapat July 5. Haha. July 5 = Berday ng ex-bestfriend ko. July 5 = araw na nagkita kame ni Ed after almost 3 months? Kase March 15 kame huling nagkita. Kaya ayun. Sobrang saya ko. :DD
Hindi ko rin sya siguro makikita nung araw na yun kung hindi sya nag-GM na nasa Trinoma sya. :) So habang nagttraining ng badminton, nagpaalam agad ako. Magpapahinga na dahil pupunta ng Trinoma :D Err, ang haba ng pila sa MRT. 3:30 na at feeling ko di ako aabot. Pero umabot pa den ako shempre XD So ayun nga, nung nasa Trinoma na ako, tinext ko agad sya. :DD Shempre may kilig effect yun di lang halata XD Tapos nung magkasama kame.. tinext ko si Larah. :)) Shempre pati si Munik, sila ang madaming alam sa akin pag si Ed na ang usapan eh :P~ After Trinoma, dumiretso sa.. Ali Mall. Tapos shempre GATEWAY. Alam na! XD Nung March 15, dun kame nagkita. At hanggang ngayon, wala pa ding upuan dun :]] Parang nagkkwento lang ako no? Ganun naman talaga ginagawa ko eh XD Ay may nakalimutan ako. Haha. Nung naglalakad kame mula Ali Mall papuntang Gateway. May tumutugtog sa background. Chorva. :)) 
You and Me. Sabe ni Larah, TS na daw yun. Woo~ TS na nga ba? XD Whatev. Basta yun. Hinatid ako sa MRT, kase yun yung pinakamadaling way para makauwi ako :)
Anyway, kung hindi ko sya nakita nung 5. Hindi ko rin sya siguro makikita sa 11. Hay sa wakas, next na. XD
July 11/FridayBakit nga ba hindi ko sya makikita kung di kame nagkita nung 5? Eh kase, hindi ko makikilala si Niwde. Ang aking kasabwat. :DD Kaya laking pasasalamat ko kay Niwde, at nakapunta ako sa Roosevelt nung 11 nang hindi alam ni Ed. Nagulat daw sya, pero di lang halata XD Kung katext kita at narereceive mo ang mga GM ko na may nakasulat na Friday surprise. Eto yun. :))
Ed: kanina ka pa friday surprise ng friday surprise
Ed: anu ba yan'
[jio*] DBR: may gagawin ako sa friday haha
Ed: para kanino naman?
[jio*] DBR: hmm hmm XD
[jio*] DBR: sikret
Ed: o cge na nga. XDD
[jio*] DBR: may pupuntahan akong malayoo
Ed: dapat kung gagawa ka kase nang ganyan para sakin! para naman magksama tau
Ed:
Ed: malapit na magmonthly test
Ed: at bibisita ako jan
[jio*] DBR: ohh?
[jio*] DBR: wahaha kaexcite XD
Ed:
Ed: at dapat in return ikaw bibisita dito!
[jio*] DBR: ANTAYIN MO
Ed: para papahanda ako red carpet..
[jio*] DBR: ay pupunta ako jan ng di mo alam hahaha
Ed: tapos dapat ano.. maayos na pancivilian para papaklala kita sa tropa ko!
Ed: ayy talaga? andaya mo :
Ed: araw araw magpapapogi ako nang todo. baga dumating ka bigla ee
Eh super unexpected naman ata ang pagpunta ko. XD Pero okay lang. Haha. Antagal namen magkasama eh. Mula *isip anong oras* 4 ata. Hanggang gabe na kami magkasama. Tas 11:30 na ako nakauwi pero okay lang :)) Hindi naman ako pinapagalitan eh, dbaa? :P
Kelan ulet yung next? Ayun, sa 25. Haha XD
July 25/FridayDi ako umattend ng review classes for NCAE. Kase alam ko wala akong mapapala dun dahil magccheck lang naman sila ng papers nung mock test na sobrang dali naman :)) Lalo na yung clerical. :P~ Err, ayun. Napapunta ako ng di oras kase si Sherly may kinwento sa akin, tapos si Roniel naman binubwisit ako sa school nung araw na yun.
RONIEL: Bad ka ahh.
JIO: *Tingin ng masama*
RONIEL: I understand.
I understand amp! XD Nung nakita ko si Sherly, sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa Roosevelt. Tapos sabe nya sana maayos na daw. Gahh. Kaines talaga yung nangyare pero whatev, let's forget about it. :D So anyway, anu nga ba nangyare nung pagdating ko dun? Shempre kinausap ko yung mga kaibigan nya. Tas nakita ko sya. Tapos shempre nag-sorry ako :) Haha. Sikret na kung anu yun. bahala na kayong maintriga. :D SHERLY, I LOVE YOU! XD
Oh eto last na. :]]
August 2/SATURDAYRoosevelt Rockjam. Feel na feel ko na maging taga-Marikina eh noh? Napapadalas na daw ang pagkikita namin sabi ni Larah XD Walang kwentang rockjam eh :)) Kase sabe 4 daw magsstart eh. Andame dameng preparations na ginawa jusko naman anong oras na nasimulan XD Nakita ko si Ringwald. :DDD
Err, anyway. 3 ang usapan sa tapat ng school. Shempre, 12 pa lang umalis na ako dito sa bahay dahil alam kong tatlong oras ang aabutin ko papunta dun. XD Antagal dba? Tas pagdating ko dun, wala pa sila. So naghintay ako. Eh nainip. Haha. Buti dumating si Nica, so ako naman lumapit na :)) kase kilala ko naman sila thru FS dba? makapal ang face ko eh XD Tapos andun din si Margret :) Tas si Ian dumating, grand entrance shet naka-motor pa :)) pagbaba nya ng motor, tumakbo papalapit sa akin sabay hila ng kamay ko "halika puntahan natin si niwde!" so nahila nya ako ng di oras at napatakbo ako XD Takbo kame papunta sa bahay nila Niwde. :)) Naman kase to si Ian eh, daming kaartehan :)) Tas nung nasundo na namin si Niwde, naglakad pabalik. Dapat susunduin pa si Ed sa bahay nila pero wag na lang dahil ayaw namin mapagod Oha oha XD Tas yun nga, nakasalubong namen si Pau. :D
Si Ed naman grand entrance kase naka-scarf pa. Tapos nainitan den kaya tinanggal :)) parang dati, naka-bape. Tas nainitan, kaya tinanggal :)) oh yun nga, tas nag-antay pa ng ibang darating. Eh since wala na ata, sumakay na ng jeep. Hahaha.
Next, ayun nandun na sa Sports Center. :D Yun nga yung sobrang tagal mag-start na concert. Anyway, super hyper ni Niwde. As usual XD Kasama ko si Ed. Haha. Sino ba dapat kasama ko? XD Umuulan kaya masaya. :DDD Kase kase dati ko pa yun gusto. Hahaha. :P Under the rain with the person I love the most. Kaso ang lande, nagpayong :)) JK. :P~ Stayed there until 8 or so. Tapos umuwi na kase anlakas na nung ulan. :D Kumaen. Gusgusin na yung sapatos ko at kelangan ko na labhan yun lechee. Oh well, okay lang. Haha. Basta masaya ako. Di ko na alam dapat ko sabihin eh XD
Ay meron pa pala ako nakalimutan sabihin :D
ILOVEYOUED <3
 (  )