Nanloko o Nagpaloko o Niloko :|

Tuesday, August 26, 2008 | 10:39 PM

Oh sige, sabi nya ako yung nanloko. Pero ako nga ba talaga? Ako nga ba talaga ang dahilan kung bakit hindi kami naging maayos? Ako ba ang kailangan umako ng lahat ng kamalian na naging sanhi ng aming paghihiwalay? Tama ba naman na ako lang ang mali? Oo, alam ko hindi pwedeng ako lagi ang tama. At alam ko din naman na may mali akong nagawa kahit papano. Pero hindi ko dapat inangkin lahat ng kasalanan. Hindi ko dapat sinisi ang sarili ko kung bakit naghiwalay kami.

Nagpaloko? Hindi rin siguro. Magaling lang siguro talaga sya umacting. Na napaniwala niya ako. Hindi naman kasi ako magpapaloko kung alam kong seryosohan eh. Umacting siya na seryoso sya? Pwedeng ganun na nga. Hindi ako basta-basta nagpapakatanga para lang sa isang tao. Hindi ako nagpaloko.

Pero, niloko nya din ako eh. Akala ko okay pa kami nung mga araw na yun. Malaman-laman ko na lang nung mga nakaraang araw na sila na pala. Sila ng isa pang espesyal na tao para sa kanya. Akala ko pa naman okay na talaga kami. Stable na. Pero hindi naman pala. May iba na pala siya. Inangkin ko lahat ng kasalanan para okay na. Para tigilan na niya ang patuloy nyang pang-aasar sa akin at pagpapamukha na kasalanan ko ang lahat. Inangkin ko lahat. Oo, LAHAT. Wala ng pride. Wala ng ganun. :|

Mali nga siguro yung nakipagkita ako sa kabigan ko na lalake. Eh pero kaibigan lang naman yun. Yung sa kanya, more than friends na. Ang mas masakit pa, sila na pala. Pinaasa nya pa ako. Pinaasa na maaayos nga namin yung relasyon kahit mapapalayo ako saglit. Akala ko magtatagal kami, hindi pala.

Sino ba talaga may kasalanan? Ako o siya? :/

( )

about me

Hello :) My name is Jana Monique but people call me Jio. I am a fifteen-year old Senior who has a passion for arts and photography.

Spotted!

Friendster
Myspace
Multiply
DeviantART

spell l-o-v-e

Stripes | Polka dots | Checkers | Black and White | Stars | Boots | Fur Jackets | Shutter Shades | Jeans | Studded Belts | Monsters | Acrylics | Eyeliner | Robots | Skulls | and a whole lot more..

influences.

Hayley Williams | Zhang Jingna | Katy Towell | Daniele Delgrosso

Drop a line

give 'em love

Hygeia
MindTwist Photography

Claudine - Fatima - Lexa - Meii - Kat - DJ Ringwald - Loraine - China - XTY - Meoki - Meryl - Chesca