Pagtitiwala, pag-ibig, lahat na.
Sunday, August 24, 2008
| 6:54 PM
Siguro nga sa mundo natin ngayon, mahirap na magtiwala. Oo, madami ka ngang kaibigan. Pero, lahat ba sila totoo? Lahat ba ng pinapakita nila sila talaga? O pagpapakitang tao lang? Pag sinabi ba nilang mahal ka nila, maniniwala ka na kaagad? Isang beses pa lang kayo nagkakausap, may
I Love You na kaagad? Kung siguro nga may pagtingin ka sa tao, maniniwala ka kaagad.
Siguro nga ganun na ang ibang tao ngayon. Nagpapaniwala na sa mga taong nagpapaasa. Pero minsan yung kabilang panig naman yung mali. Pinilit nila yung sarili nila. Pinagsiksikan nila ang sarili nila sa isang tao. Umasa at hindi pinaasa. Mayroon din naman kasi na sa sobrang kabaitan nila, naiinlove yung tao. Tapos kaya sila umaasa dahil dun.
Oo, sobrang gulo na ng buhay ngayon. Sobrang gulo ng pag-ibig. May konek yan, kung alam mo lang talaga. Gusto kasi ng ibang tao, tama sila. Ayaw nila na magkamali sila. Babawiin nila lahat ng sinabi nila nung nakaraan at iibahin ang kwento. Ikaw pa magmumukhang tanga. Ikaw pa itong lalabas na mali. Pero sa totoo, sila naman talaga ang mali. Oh di naman kaya, di lang talaga nila mapanindigan ang mga nasabi nila
Wag kang magsasabi ng mga bagay-bagay kung hindi mo kayang panindigan. Oh kung di mo rin to matatandaan at sasabihin mo na kami pa nanloloko sayo. Wala naman ako pinapanigan sa inyong dalawa eh, neutral dapat. May mga sitwasyon na tama sya, mali ka. Pwede rin naman na mali sya, at tama ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon, tama ka. Ano ka, Diyos na laging tama at hindi nagkakamali? Tao tayo pare-parehas. Nagkakamali tayo. Ang mahirap lang sa atin, ayaw natin aminin na mali tayo. Gagawin natin lahat para hindi lumabas na tayo ang mali. Oo, paikot-ikot na ako sa mga sinasabi ko. Pero gusto ko lang naman talaga maipahatid kung ano ang gusto kong sabihin eh.
Ayaw ko kase na maging mabait kaagad sa isang tao. Likas na sa akin ang maging mabait, minsan yun na din ang nagiging dahilan para mahulog ang iba sa akin. Oo, nangyari na 'to. At ayoko na maulit yun. Ako kasi yung tipo ng tao na oo ang sagot sa lahat ng bagay eh. Ayaw ko kasi makasakit. Pero nagbago na ako, hindi kung hindi. Di ko na kailangan makipag-plastikan pa. Mahal kita kung mahal kita. Hindi ko naman sasabihin sayo na mahal kita kung hindi ka special diba?
Wala. Magulo na lahat ng sinasabi ko. Pero sana nagets nyo yung point ko. Naglabas lang ako ng mga gusto kong sabihin. Mag-cmnt ka ah? Salamat. Gusto ko makarinig/makabasa ng mga opinyon nyo.
( )